Nasubok ang kakayahan ng mga mag-aaral na kumukuha ng vocational courses buhat sa mga kinikilalang paaralan ng Technical Education and Skill Development Authority (TESDA) sa ginanap na 5th Antipolo Tourism Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Setyembre 23, 2017 sa Robinsons Place Antipolo. Sa pangunguna ng City Tourism Office, lumahok ang 9 na koponan sa TESDA Cookery and Event Set-up Competition kung saan 3 grupo ang nanalo sa cookery category gayundin sa event set-up category.

TESDAStudent1

Nag-uwi ang mga nagwaging koponan ng plake at cash prize. Nakiisa rin at nagbigay ng maikling mensahe si Kon. Nixon Aranas sa naturang programa.