Kinilala ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga nanalo sa “A Journey to Rizal” Painting Contest noong Setyembre 21, 2017 sa Robinsons Place Antipolo sa pagdiriwang ng 5th Antipolo Tourism Fair. Katuwang ang City Tourism Office, pinarangalan ang 8 na pintor para sa kanilang nakakamanghang obrang kumakatawan sa kulturang Rizaleño. Dumalo at nakiisa sa nasabing kumpetisyon sina City Tourism Officer Marino Bacani at Rizal Provincial Tourism Officer Dr. Corazon Laserna.