“Suman with a twist,” iyan ang naging pahayag ni City Tourism Officer Marino Bacani sa mga inihaing pagkain sa ginanap na Chefs on Parade ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Setyembre 24, 2017 na ginanap sa Robinsons Place Antipolo. Sa pangangasiwa ng City Tourism Office, katuwang ang Professional Academy for Culinary Education (PACE), nagtunggali ang 6 na paaralan sa kumpetisyon na may layuning subukin at payabungin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagluluto ng tradisyunal na kakanin. Tinanghal namang kampeyon ang STI College at nag-uwi ng P3,000 cash prize. Nakiisa din at nagbigay ng makabuluhang mensahe si Konsehal Nixon Aranas sa programa. Bahagi pa rin ito ng pagdiriwang ng 5th Antipolo Tourism Fair.