Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang Brgy. Dalig sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Oktubre 2, 2017 sa Sumulong Park dahil sa pagkamit nito ng prestihiyosong parangal mula sa Adamson University.

Brgy.Dalig Kinilala

Ginawaran ang naturang barangay noong Setyembre 26, 2017 ng Plaque of Honor dahil sa maigting na pagpapatupad nito ng waste management sa kanilang nasasakupang lupain alinsunod sa Republic Act 9003.