Pinarangalan sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Human Resource and Management Office, noong Oktubre 2, 2017 sa Sumulong Park ang 12 kawaning nagkamit ng tagumpay sa huling Friday Fun Day na may temang “Most Fabulous Scarf.” Ipinamalas ng mga nasabing kawani ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagrampa suot ang kanilang mga makukulay at magagarbong scarves.