TAGUMPAY ang 5th Nutrition Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Health Office (CHO), City Cooperative and Livelihood Office (CCLO) at City Agriculture Office (CAO) na ginanap sa Binayoyo Elementary School noong Setyembre 18, 2017. Layunin nitong mabigyan ng kaalaman ang mga magulang at mag-aaral sa mga pamamaraan upang labanan ang malnutrisyon.

Ayon kay Mayor Ynares, napakahalaga na matutunan ng bawat isa ang kahalagahan ng tamang pagkain upang makaiwas sa mga sakit. Aniya, importante ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa pagkakaroon ng magandang kalusugan ng kanilang mga anak kaya naman mahalagang magabayan ang mga ito. Dagdag pa niya, tuloy-tuloy ang mga serbisyo at programang medikal sa buong lungsod para sa lahat ng Antipolenyo.

NutritionCaravan1

Mula sa 39.05 % kaso ng malnutrisyon na naitala sa lungsod noong 2016, bumaba ito sa 35.35 % ngayong taon bunsod ng maigting na kampanya ng pamahalaang lokal.

Nagkaroon ng seminar para sa mga nanay kung saan itinuro ang kahalagahan ng breastfeeding at ang sustansyang dulot ng gatas ng ina sa mga sanggol. Binigyang diin din ang complementary feeding at “Pinggang Pinoy” o visual representation ng Go, Grow at Glow Foods para sa masustansya at balanseng pagkain. 

NutritionCaravan2

Tinalakay naman ang mga angkop na pagkain para sa mga may sakit na Diabetes at Hypertension gayundin ang Bird Flu at Japanese Encephalitis.

NutritionCaravan3

Bukod dito, namahagi ang CAO ng vegetable seedlings sa mga residente na maaari nilang maitanim sa kanilang bakuran at pagkunan ng pagkain o ibenta. Naghandog din ng libreng training sa paggawa ng cassava cake ang CCLO na maaaring pagkakitaan ng mga nanay.