Nasaksihan ng 8 kandidata ng Miss Earth 2017 ang maunlad na turismo ng lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, matapos ang kanilang pagbisita na ginanap noong Oktubre 19, 2017.

Ms.Earth2017 Visit1

Isa ang Antipolo na napili ng Miss Earth 2017 para sa kanilang Adopt-A-Candidate Program na may layuning maipakita at maiparanas sa mga kandidata ang kagandahan ng iba’t ibang lugar sa pilipinas at maisulong ang adbokasiya na makakatulong sa kalikasan.

Ms.Earth2017 Visit2

Gaganapin ang Miss Earth 2017 Coronation Night sa darating na Nobyembre 4, 2017.