Ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, kasama ang mga delegado mula sa religious sector matapos ang isinagawang Community Based Rehabilitation Program (CBRP) Seminar noong Oktubre 13, 2017 sa Antipolo City Hall. Kaakibat ang Antipolo City Anti-Drug Abuse Office kasama ang City Social Welfare and Development Office at City Cooperative and Livelihood Office, layon ng seminar na gawing kasangga ang naturang grupo sa pagpapatupad at pagpapalawig ng CBRP sa  16 na barangay sa siyudad lalo na ang preventive education. Bukod dito, inilahad rin ang iba’t ibang after-care services na ibinibigay sa mga Persons Who Used Drugs (PWUD) katulad ng mga livelihood training.