ANIM na kandidata ng Miss Earth 2017 ang napahanga sa Antipolo City, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, matapos ang kanilang pagbisita noong Oktubre 13, 2017 sa lungsod. Sa pangunguna ng Antipolo City Culture, Arts, and Tourism Promotions Office at City Environment and Waste Management Office, natunghayan ng mga kandidata ang mga “best practices” kontra basura katulad ng Material Recovery Facilities sa mga barangay at eskwelehan, “No Segregation, No Collection Policy,” Antipolo Controlled Disposal Facility Rehabilitation at ang pagbabawal ng Styrofoam at paglilimita sa paggamit ng plastic.

Ms.Earth2017 Visit3

“Ikinagagalak ko po na napili ang ating lungsod na bisitahin ng mga mayuyuming kandidata ng Miss Earth dahil hindi lang natin naipakita sa kanila na tayo ay may malinis na kapaligiran at nangangalaga sa kalikasan, kundi pati na rin ang ating mainit na pagsalubong at pakikipagkapwa sa iba,” sabi ni Mayor Ynares.

Ms.Earth2017 Visit4

Nagtungo sa Mayamot ES at Mambugan Barangay Hall sina Miss Belarus – Polli Cannabis, Miss Camaroon – Verucha Kossinda, Miss Moldova – Veronica Buzovoi, Miss Nepal – Rojina Shrestha, Miss England – Charlotte Brooke at Miss Hungary – Victoria Viczian upang matutunan ang isang paraan ng pagre-recycle sa pamamagitan ng paggamit ng mga sako at plastic para gawing bag, wallets at iba pang produkto.

Kabilang din ang Antipolo Cathedral, Pasalubong Center, Eugenio Lopez Center, Pinto Art Museum, Casa Santa, at Cloud 9 Hotel and Resorts sa mga binisitang lugar sa lungsod upang maranasan nila ang mga ipinagmamalaking tourist destinations sa Antipolo.

Isa ang Antipolo na napili ng Miss Earth 2017 para sa kanilang Adopt-A-Candidate Program na may layuning maipakita at maiparanas sa mga kandidata ang kagandahan ng iba’t ibang lugar sa pilipinas at maisulong ang adbokasiya na makakatulong sa kalikasan.

Gaganapin ang Miss Earth 2017 Coronation Night sa darating na Nobyembre 4, 2017.