Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Youth and Sports Division Office, ang mga kawaning nagpakita ng angking talento sa larangan ng darts sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Oktubre 23, 2017 sa Sumulong Park. Pinarangalan ang mga grupong nagwagi sa idinaos na Sports Fest 2017: Dart Competition sa Antipolo Sports Hub kung saan nagkampeyon ang Team Orange na binubuo ng Sangguniang Panlungsod, City Legal Office, Vice Mayor’s Office, Sangguniang Panlungsod Secretariat, City Civil Registry, Prosecutor’s Office, at City Trial Court. Nakuha ng mga nagwagi ang Cash Incentive at Plaque.