Mula sa 56 na kababaihang mula sa iba’t-ibang panig ng lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, 25 na naggagandahang Antipolenya ang napiling mga bagong kandidata sa Mutya ng Antipolo 2017 matapos ang isinagawang screening noong Nobyembre 7, 2017 sa Gems Hotel and Resorts.

Lumutang ang naiibang ganda ng mga dilag sa kanilang pagrampa at nagpamalas din sila ng talino sa Question and Answer portion. Abangan ang gaganapin na coronation night ng taunang patimpalak sa Disyembre 9, 2017.