Nakapanayam ni Mayor Jun Ynares ang mga kalahok ng 2017 Mister and Miss Rizal Pageant sa isinagawa nilang courtesy call noong Nobyembre 23, 2017 sa Antipolo City Hall. Layon ng programa na madiskubre ang mga Rizaleñong nagtatagalay ‘di lamang ng likas na kagandahan kundi pati rin ng umaapaw na talino at talento para gawing ambassador of goodwill. Bahagi rin nito ang pagsulong sa YES Program ng Lalawigan ng Rizal. Bukod dito, nauna nang nagtungo ang 24 na kalahok sa Antipolo noong Nobyembre 12, 2017 para sa kanilang Clean-up Drive at Tree Planting Activity na ginanap sa Hinulagang Taktak Protected Landscape.