Sa ikaanim na linggo ng programang Nutrition on Wheels ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, tinunggo ng mga kawani ng Public Information Office at City Health Office ang malayong sitio ng San Joseph sa Brgy. San Jose noong Nobyembre 21, 2017. Naihatid sa 15 magulang ang mga stratehiyang pupuksa sa malnutrisyon para sa kanilang mga anak upang masiguradong masigla at malusog ang mga ito habang lumalaki. Kabilang sa mga tinalakay sa unang araw ng programa ang tamang pagpapasuso at ang benepisyo ng pagsunod sa “Pinggang Pinoy”.