Nagsama-sama ang 28 farmers at food producers sa inihandang Weekend Market ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, upang maihatid ang mga sariwang gulay, prutas at iba pang produktong likas sa lungsod. Katuwang ang City Agriculture Office, isinasagawa ang nasabing programa sa Sumulong Park tuwing Sabado at Linggo sa buong buwan ng Nobyembre at Disyembre ngayong taon na may layuning ilapit at maibenta ang mga sariwang pananim sa kabayanan.