Si Antipolo City First Lady Andrea “Andeng” Ynares, maybahay ni Mayor Jun Ynares, habang binabati ang mga magulang at estudyanteng nakibahagi sa “Longest Line of Pinggang Pinoy” na ginanap sa Ynares Center noong Nobyembre 26, 2017. Tinanghal ang San Jose NHS na Best School Implementer sa lungsod at 2nd place naman sa buong probinsiya ng Rizal.

Nutrisyon1

Dahil dito, isinagawa ang nasabing “record setter” bilang bahagi ng pagsabak ng paaralan sa Wellness Campus Program Implementation National Level.

Nutrisyon2

Nagtipon-tipon ang 3,035 na estudyante at 2,888 na magulang, kasama ang faculty members ng San Jose NHS upang ipagbunyi ang tagumpay na nakamit habang ipinaabot sa bawat isa ang importansiya ng “Pinggang Pinoy” sa paglutas at paglaban sa malnutrisyon.