Buong pusong nakiisa si Andrea “Andeng” Ynares, maybahay ni Antipolo Mayor Jun Ynares, sa ginanap na taunang advocacy walk na may temang “Unite and End Violence Against Women and Children” ng Zonta Club International noong Nobyembre 25, 2017 Sumulong Park. Ibinahagi ng unang ginang na mahalaga na matutunan at gamitin ng bawat kababaihan at kabataan ang kanilang mga karapatan upang malayo sa mga kalupitan ng lipunan. Layon ng 16-day activism na masugpo at matigil ang karahasan sa buong bansa at mundo.