Hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga mamamayan na maging miyembro ng  Social Security System (SSS) sa isanagawang pagpupulong tungkol sa Joint Operation on Social Security Enforcement (J.O.S.S.E), katuwang ang SSS, na ginanap noong Nobyembre 29, 2017 sa Antipolo City Hall. Sa harap ng mga dumalo, ibinahagi ni Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan ang ilan sa mga benepisyong kalakip ng pagiging miyembro patungkol sa salary loan, sickness, maternity, disability at retirement. Ipiniresenta rin ng SSS ang ilan sa kanilang mga naisagawang programa sa buong lungsod na naghihimok sa mga mamamayan na magparehistro para sa seguridad ng kanilang kinabukasan.