Doble-higpit ang isinagawang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na taunang pagdalaw ng Mahal na Poong Nazareno dahil sa pagdagsa ng mga debotong sumalubong dito noong Nobyembre 30, 2017 sa Hamaka Park patungo sa Antipolo Cathedral. Sinigurado ng PNP-Antipolo, mga kawani ng Office of Public Safety and Security (OPSS), at Armed Forces of The Philippines na maayos at maluwalhati ang naturang pagdiriwang. Magtatagal ang Nazareno ng Quiapo sa Antipolo hanggang Disyembre 4, 2017.