Libo-libong mag-aaral, guro, at mga tagahanga ang dumagsa sa ginanap na “2017 Drum and Lyre Competition” ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, bilang suporta sa kani-kanilang mga paboritong paaralang nagtanghal sa programa noong Disyembre 7, 2017 sa Ynares Center.

DrumLyre2

Sa pangangasiwa ng City Tourism Office, naiuwi ng Antipolo Immaculate Conception School (AICS) ang kampeonato sa Junior at Senior Level Category gayundin ang P200, 000 cash prize. Dumalo at nakiisa sina Mayor Ynares, Japanese Philanthropist Kenji Mori at Presidential Political Adviser Francis Tolentino.