Nagpasaya at nagpa-ingay ang ilang astig na local bands sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Tugtugan sa Plaza noong Disyembre 8, 2017 sa Sumulong Park. Sa pagtutulungan ng Antipolo City Culture, Arts and Tourism Promotions Office, Globe Telecoms at Soupstar Entertainment, nagpakitang gilas ang 6cyclemind at Gracenote sa harap ng mga AntipoleƱong handang makipagrakrakan sa kabila ng maulan na panahon. Kabilang ito sa mga programa ng pamahalaang lungsod bilang selebrasyon ng Christmas Fiesta sa Antipolo.