Best practices ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang paksa sa isinagawang “Lakbay-Aral on Best Practices in Transportation” ng Munisipalidad ng Infanta, Quezon sa lungsod ng Antipolo noong Disyembre 14, 2017.  Sa pangangasiwa ng Public Transportation and Regulatory Board (PTRB), ibinahagi ni PTRB Officer Olan Avendaño sa mga delegado ang mga kasalukuyang ordinansang nagpapaigting sa mga batas trapiko ng lungsod.