Nagsagawa ang Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ng “4th Quarterly Meeting of Antipolo City Disaster Risk Reduction Council (ACDRRMO)” noong Disyembre 13, 2017 sa Antipolo City Hall kung saan mahigit 27 kasaping organisasyon ang nakiisa at nagbahagi ng kanilang year-end report.

4QMeeting ACDRRMO1

Pinangasiwaan ni Civil Defense Officer Enrilito Bernardo Jr. ang pagpupulong kung saan binigyang pagkilala ang mga miyembrong organisasyon sa pribado at pampublikong sektor para sa kanilang malaking kontribusyon patungkol sa paghahanda, pangkaligtasan, at seguridad sa siyudad sa panahon ng sakuna.

4QMeeting ACDRRMO2

Kabilang sa ginawaran nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer Oliver Montefalcon (kanan) at Civil Defense Officer Enrilito Bernardo Jr. (kaliwa) si Punong Barangay Jojo Salen ng San Isidro ng Certificate of Appreciation.