SABAY-SABAY nag-duck (drop), cover, at hold position ang halos 600 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa naganap na 4th Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Disyembre 15, 2017 sa Antipolo City Hall.

Sa pagtutulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire, layunin ng programa ang pagsusulong ng kahandaan, wastong kaalaman, at kaligtasan ng mga residente sa paghagupit ng lindol at iba pang sakuna.

“Dapat lagi po tayong handa sa lahat ng oras dahil hindi po tayo nakakasigurong ligtas tayo sa lahat ng oras. Mas mabuti po na alam natin ang mga dapat gawin kung sakaling magkaroon ng sakuna sa kalagitnaan ng kasiyahan,” pahayag ni Mayor Ynares.

4thQtrEarthQuakeDrill1

Matapos ang isang minutong pagtunog ng alarma bilang panimula ng drill, sama-sama, maayos, at mahinahong lumikas ang mga kawani palabas ng gusali habang isinasagawa ang wastong covering position patungo sa temporary staging area sa Sumulong Park.

4thQtrEarthQuakeDrill2

Kaugnay nito,nagsagawa rin ng fire extinguishing demo kung saan itinuro sa mga nagboluntrayong kawani ang tamang paggamit ng fire hose para maapula ang naglalagabyab na apoy lalo na’t ito ang huling drill ngayong taon at magpapatuloy muli sa 1st Quarter ng 2018.