Muling binigyang pugay ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang kadakilaan ng lokal na bayani ng lungsod na si Don Juan Sumulong noong Disyembre 27, 2017 sa Sumulong Park.

142ndSumulongDay1

142ndSumulongDay2

Isinagawa ang programa bilang selebrasyon ng “Sumulong Day” kung saan dumalo ang mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga kamag-anak ni Don Juan Sumulong upang magbigay ng makabuluhang mensahe ng pagkilala at mag-alay ng bulaklak sa kanyang rebulto sa parke na ipinangalan sa kanya.