Masayang inanunsyo ni Local Government Operations Officer Oliver Montefalcon sa isinagawang Flag Raising Ceremony noong Enero 8, 2018 sa Sumulong Park ang dagdag karangalan na nakamtan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares. Isang milyong piso ang kalakip ng 2016 Manila Bayani Award na iginawad ng Department of the Interior and Local Government sa lungsod noong Disyembre 8, 2017 habang isang plake ng pagkilala naman para sa Environmental Compliance Audit (ECA) Award 2017. Ang Antipolo City ang magiging kinatawan ng Region IV-A sa nasyunal sa city-level category.