Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang makabagong uniporme ng Office of Public Safety and Security (OPSS) na mayroong body cameras sa isinagawang Flag Raising Ceremony noong Enero 8, 2018 sa Sumulong Park. Kaakibat ang opisina ng City Administration, layon nitong maiwasan ang korapsyon ng mga tiwaling kawani at enforcer ng gobyerno. Kauna-unahan ang Antipolo sa buong lalawigan ng Rizal na gagamit ng nasabing uniporme.