Ginawaran ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Task Force Manila Bay, ng Certificate of Appreciation ang Manila Waters Company Inc. sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Enero 8, 2017 sa Sumulong Park. Binigyang pagkilala ang naturang kumpanya dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa wastong pamamahala ng City Ordinance 2017-784 o mas kilala bilang Septage Management System Ordinance kung saan layon nitong panatilihin ang kalinisan ng mga daluyan ng tubig sa pamamagitan ng desludging.