TINUTUKAN ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, at ng PLDT SMART Foundation, ang paghahanda sa mga kabataan pagkatapos ng kanilang pag-aaral sa isinagawang “Career Readiness Seminar and Workshop” noong Pebrero 3, 2018 sa Antipolo City Hall. Katuwang ang City Human Resource and Management Office (CHRMO), itinuro sa halos 80 na dumalo ang mga tips tungkol sa paggawa ng epektibong resume at mga istratehiyang maaring magamit sa pag-aapply ng trabaho. Parte ng community service ng foundation ang nasabing programa kung saan napili ang lungsod bilang unang benepisyaryo ngayong taon.  

CGA SmartFoundation2

“Isa po sa amin layunin ang mapabuti ang kinabukasan ng mga kabataan. Sa tulong ng mga programang katulad nito, masisigurado natin mayroon silang baon na sapat na kaalaman at kakayanan na kanilang magagamit sa hamon ng paghahanap ng trabaho,” sabi ni Mayor Ynares.

CGA SmartFoundation1

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga Senior High School students mula sa pribado at pampublikong paaralan na kasalukuyang nasa ilalim ng “Immersion Program” ng pamahalaang lungsod. Nakiisa rin ang mga mula sa Kanlungan ng Kabataan at ilang mga Job Orders. Bukod sa pagbibigay kaalaman sa paghahanap ng trabaho, nagkaroon din ng career coaching, mock interview, at counseling upang mahasa at masubukan ang kanilang mga natutunan sa nasabing workshop at seminar.

Patuloy naman ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay suporta sa kabataan at mga estudyante sa Antipolo. Isa sa mga patunay dito ang mga scholarship grants at libreng school supplies na ipinapamahagi taun-taon sa pamamagitan ng programang “Balik Eskwela.”