Binigyang pagkilala ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 3 pambihirang Antipolenyong miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Pebrero 5, 2018 sa Sumulong Park. Nakamit ni Eagle Scout Miguel Manipon, mag-aaral ng San Jose National High School, ang Plaque of Recognition mula sa Department of Education at BSP para sa kanyang angking sipag at dedikasyon sa serbisyo. Kabilang din sa kinilala sina Centenary Awardee Dr. Victor Cahapay at Dr. Ramon Bonifacio para sa kanilang mahigit 50 taong serbisyo at paglilingkod sa BSP. Napasama rin si Eagle Scout Manipon sa Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines.