Ginawaran ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ng Certificate of Recognition at cash incentive ang 14 kawaning naglingkod ng 10 taon o higit pa sa pamahalaang lokal sa ginanap na Flag Raising Ceremony noon Pebrero 5, 2018 sa Sumulong Park. Kabilang sa kinilala si Candida Lawis, ang head ng City Assessor’s Office, para sa kaniyang “40 years in service” at si Violy Sabulao-Faiyaz, ang head ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO) para naman sa kaniyang “20 years in service.”