Ipinagmalaki ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, si Punong Barangay (PB) Crisol Cate ng San Luis sa isinagawang Flag Raising Ceremony noong Pebrero 5, 2018 sa Sumulong Park. Nakamit ni PB Cate ang Gawad Parangal mula sa Transnational Anti-Organized Crime – Intelligence Group (TAOC-IG) para sa kanyang maigting na implementasyon ng mga programang kontra droga, kriminalidad at korapsyon. Kinilala ring “Model Barangay” ang San Luis dahil sa Aftercare Services na ibinibigay nito sa mga Person Who Used Drugs (PWUD). Umabot na sa 458 na PWUD ang natulungan nitong matapos ang Community Based-Rehabilitation Program (CBRP).