Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, si Punong Barangay Oscar Tamayao ng Sta. Cruz sa isinagawang Flag Raising Ceremony noong Pebrero 5, 2018 sa Sumulong Park. Epektibong napatupad ng Barangay Sta. Cruz ang mga programang kontra droga at anti-kidnapping kung kaya’t ginawaran ito ng Plaque of Appreciation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IV-A gayundin ang Certificate of Appreciation mula naman sa PNP Police Regional Office CALABARZON.