Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagsasagawa ng araw-araw na parents’ reorientation, monitoring at surveillance para sa mga batang nabakunahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.


CHO Dengvaxia2

Kamakailan lang, dinayo ng mga kawani ng City Health Office (CHO) ang Mambugan 2 ES at Cupang ES noong Enero 19, 2018 upang mabantayan ang mga kabataan at para na rin mabigyan ng tamang kaalaman ang mga magulang kung anong gagawin kung sakaling madapuan ng dengue ang kanilang mga anak at lumalala ang kondisyon.

CHO Dengvaxia3

Nagbigay ng kapanatagan ng loob sa mga magulang ang mga gabay na ibinahagi ng CHO.