Nagbahagi ng training ang Maagay Home Owners Association (HOA), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), tungkol sa Disaster Preparedness para sa mga residente ng Maagay 2 sa Brgy. San Luis noong Enero 20, 2018. Itinalakay sa nasabing training ang paghahanda sa mga landslide, bagyo, baha o lindol.