Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang Disaster Preparedness Orientation para sa mga mag-aaral, mga guro, at mga empleyado sa ginanap na Disaster Preparedness & Awareness Seminar sa Antipolo Faith Christian School noong Enero 30, 2018. Tinuruan ang mga estudyante ng mga mahahalagang bagay tungkol sa Basic First Aid & Basic Life Support katulad na lamang kung sakaling maka-engkwentro o makaranas sila ng pagkahilo at nosebleed.