NAGPASALAMAT muli ang pamunuan ng Antipolo Philippine National Police (PNP) sa Antipolo City Gov’t matapos makatanggap ng mga bagong kagamitan sa ginanap na turn-over ceremony noong Pebrero 26, 2018 sa Sumulong Park. Sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at nasyunal, layon nitong palakasin ang hanay ng pulisya sa pamamagitan ng mga karagdagang kagamitan na magagamit nila sa pagseserbisyo.

CGA FlagCeremony5

Ayon kay Mayor Jun Ynares, target umano ng naturang upgrade ang mas mapaigting ang mga ikinakasang operasyon ng lokal na pulisya na magpapanatili sa kaayusan ng lungsod lalo na ang kaligtasan ng mga mamamayan.

CGA FlagCeremony6

Kabilang sa mga natanggap ng PNP ang mga desktop computers, printers, air conditioners, radio base, dual mode repeater, bulletproof vest at iba pa.