NAKIBAHAGI ang Antipolo City Gov’t sa grand opening ng Ram’s Ribs & Pizza at Steak ‘n Ramen sa SM Cherry noong Pebrero 24, 2018. Pinangunahan ni Raymond Bihis, may-ari ng mga nasabing establisyimento, ang pagbubukas kung saan ipinakita at ipinatikim sa mga dumalo ang kanilang mga bestseller.

FoodBusiness1 SMCherry

Ipinaabot ni Mayor Jun Ynares ang kaniyang pagbati sa mga nakiisa sa weekend opening. Aniya, patunay ang pagdami ng mga food outlet na tiwala ang mga negosyanteng mamuhunan sa Antipolo. Nagbibigay din umano ng oportunidad sa trabaho sa mga mamamayan ang patuloy na paglago ng industriyang ito.

FoodBusiness2 SMCherry

Kabilang sa mga dumalo ang piling lokal na mamamahayag at ilang opisyales ng SM Group. Nangibabaw ang panlasang pinoy sa mga inihaing putahe sa isinagawang food demo ng Ram’s Ribs & Pizza kagaya ng all-meat at seafood platter. Nagpatakam din ang Filipino-Japanese cuisine ng Steak ‘n Ramen gaya ng Yamashita at Sakuragi platter gayundin ang spicy ribs ramen.

FoodBusiness3 SMCherry

Nagkaroon ng store blessing sa pagbubukas gayundin ng paghahagis ng barya na pinaniniwalaang nagdudulot ng swerte sa negosyo. Maliban dito, nagpasaya naman ang pagtatanghal ng tambalang Moymoy Palaboy sa mga dumalo.

FoodBusiness4 SMCherry

Ito ang unang branch ng mga nasabing establisyimento sa lungsod.