Ibinahagi ni Bureau of Fire Protection (BFP) Deputy Chief Ins. Reynaldo Nalog ang mga naisakatuparang programa ng BFP, kaakibat ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Sumulong Park noong Marso 5, 2018.

Kabilang sa inilunsad ng BFP ang Fire Prevention Month Painting Contest 2018, Fire Brigade Training, Unity Walk, Motorcade, Kick-off Ceremony, House-to-House Campaign, Intensified Fire Safety Awareness Campaign at iba pa habang nakamit din ng lungsod ang 2017 Kaban ng Bayan Award. Ilan naman sa mga plano ng BFP ngayong 2018 ang Utilization of 20% LGU Share for Purchase of Operations Equipment at paglipat ng fire station sa iMall.