Hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kababaihan na tumakbo at makiisa sa gaganaping Barangay Elections bilang pagkilala nito sa taglay na talino at kontribusyon ng mga kababaihan sa komunidad, sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Marso 19, 2018 sa Sumulong Park. Bilang bahagi ng Women’s Month, isinusulong din ng COMELEC ang karapatan ng mga kababaihan sa pagboto sa darating na halalan sa mga barangay sa Mayo 14.