Makibahagi at makisaya sa ika-20 anibersaryo ng Antipolo Cityhood kasama si kapamilya diva Angeline Quinto sa April 7 simula 7:30 ng umaga para sa Antipolo Drum and Lyre Competition. Abangan ang pasiklaban ng 16 na barangay sa Antipolo Grand Float Parade na magsisimula sa Sumulong Park patungong Ynares Center sa ganap na 1:00 ng hapon at susundan ng bonggang fireworks display sa gabi.