Nakibahagi si Antipolo City First Lady Andeng Ynares sa idinaos na Graduation Rites ng Mambugan II Elementary School nitong nakaraang Martes, Abril 3, 2018 sa covered court ng paaralan na kung saan ay pinabaunan niya ng inspirasyonal na mensahe ang mga batang nagsipagtapos at lumahok sa paggawad ng gantimpala sa mga napiling Natatanging Mag-aaral at Numero Unong Guro para sa taong 2018.

CGA MambuganIIES1

CGA MambuganIIES2

Kasama ring nagpaabot ng kanilang suporta sa mga bagong graduate si Antipolo 1st District Board Member Rico De Guzman at mga Konsehal mula sa Antipolo 1st District na sina Councilor Arnel Camacho at Councilor Jay Tapales.