Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 269 ng 2017, ang darating na Lunes, Abril 9 ay isang Regular Holiday bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng Kagitingan. Bilang pagtalima sa kautusang ito, wala pong pasok ang mga tanggapan ng ating Pamahalaang Lungsod sa nabanggit na araw maliban sa mga opisinang naghahatid ng vital services tulad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Radio Communications Office, City Social Welfare and Development Office at Office of Public Safety and Security. Magbabalik po ang mga serbisyo ng ating City Hall sa Martes, Abril 10, 2018.

#WalangPasok #LongWeekend