Pinarangalan ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 2 loyalty awardees ng Certificate of Recognition at cash incentive bilang pagkilala sa kanilang mahabang paglilingkod sa gobyerno at tapat na pagseserbisyo sa publiko sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Abril 30, 2018 sa Sumulong Park. Kinilala ang mga naturang kawani na sina Marivic Combo mula sa City Health Office at Victorino Marcelino mula naman sa Trade and Investment Office.