Naging engrande ang pagsalubong ng selebrasyon ng Maytime Festival 2018 sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, dahil sa isinagawang makulay at masiglang Grand Parade noong Mayo 1, 2018 sa Sumulong Park papuntang Ynares Center.

CGA MaytimeFestival3

Layunin ng pagdiriwang na mas ipamalas ang angking ganda at talento ng mga Antipolenyo kasabay ng pagpapaunlad sa turismo.

CGA MaytimeFestival1

CGA MaytimeFestival2

Kasabay din ng naturang selebrasyon ang pagsisimula ng Pilgrimage Season na bahagi ng mayamang tradisyon ng lungsod.