PAGMAMAHAL sa kalikasan at sa mga produktong Antipolo ang ipinamalas ng YES Inter-Barangay Booth Competition noong Mayo 1, 2018 kasabay ng pagbubukas ng 5th Antipolo Maytime Festival. Lumahok ang 16 na barangay sa programa mula sa Antipolo City government katuwang ang YES to Green Program ng lalawigan ng Rizal. Makikita sa Sumulong Park mga produktong Antipolo at mga booth na likha sa mga recycled materials.

CGA YESBoothCompetition6

Ayon kay Mayor Jun Ynares, bukod sa nais ipagmalaki ng lungsod ang mga produktong gawa sa Antipolo, nais rin nilang ipalaganap at hikayatin ang mga tao na magrecycle dahil malaking tulong ito sa pagbabawas ng basura.

CGA YESBoothCompetition5

Kaugnay nito, masugid na ipinapatupad ng pamahalaang lokal ang “No Segration, No Collection Policy” na nagdudulot ng pagkabawas ng 9,000 toneladang basura sa lungsod.

Nagbigay aliw sa publiko lalo na sa mga turista ang mga malikhaing booth na gawa mula sa mga pet bottles, lumang dyaryo, mga tray ng itlog, lumang CDs at iba pa. Aabot sa P185,000 na papremyo ang ipamimigay sa mga magwawaging barangay. Tatakbo ang programa hanggang Hunyo 5.