Si Dr. Cornelia Vergara, hepe ng City Veterinary Office, habang nag-uulat ng kanilang accomplishment report sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Mayo 7, 2018 sa Sumulong Park. Kabilang sa tagumpay ng naturang opisina ngayong taon ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra rabis sa 29,400 aso’t pusa mula Enero hanggang Abril.

CityVet RabiesVaccination1

Mahigpit na paalala ng City Vet na maging responsable ang mga pet owners sa kanilang mga alagang hayop at pabakunahan ang mga ito upang maiwasan ang pagkalat ng rabis. Inaanyayahan din ang mga dog lovers at owners sa gaganaping Dog Show sa darating na Mayo 19, 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Antipolo Maytime Festival.