Ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, kasama ang mga napiling kandidata ng 6th Queen of Antipolo sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Mayo 7, 2018 sa Sumulong Park. Sasabak sa grand coronation night ang 25 transpinay candidates mula sa 16 barangay sa darating na Mayo 19, 2018 na gagapin sa City Mall of Antipolo. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Antipolo Maytime Festival.