Sumailalim ang mga kawani ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, kasama ang ilang miyembro ng Antipolo Trade and Investment Promotions Office (AnTIPO), sa 2-Day Strategic Planning Workshop na ginanap noong Mayo 28, 2018 sa city hall. Target ng workshop na may temang “2018 Pagtitipon at Pagpaplano, Patungo sa Progresibong Antipolo ang paghahanda ng grupo para mas mapaunlad ang ekonomiya ng lungsod sa taong 2018-2022. Kabilang sa tinalakay sa programa ang planong paghikayat sa mga investor na mamuhunan sa Antipolo.