Si Col. (Ret) Rolando Velicaria, hepe ng Antipolo City Anti-Drug Abuse Office (ACADAO), habang iniuulat ang mga naisakatuparang anti-drug operation ng kanilang opisina sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Mayo 28, 2018 sa Sumulong Park. Katuwang ang PNP Antipolo at PDEA, kabilang sa tagumpay ng nasabing opisina ang pagsuko ng 3,393 drug dependents, rehabilitasyon ng 2,003 Persons Who Used Drugs (PWUDs), at ang pagpasok ng 5 barangay na kandidato para sa Drug-Cleared Barangays ng DILG.