Pinarangalan sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Antipolo City Gov’t noong Mayo 28, 2018 sa Sumulong park ang mga nagwagi sa Mayor Jun Ynares Softball Cup 2018. Binigyang pugay ang 11 atleta sa Individual Awards kung saan tumanggap ang bawat isa ng cash prize at trophy. Kinilala rin ang grupong Superfriends bilang grand champion sa naturang kumpetisyon at nakakuha ng P20, 000 at trophy.